Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT
Intramuros, Manila
MENSAHE
Kaisa ng mga opisyal at kawani ng Kagawaran ng Paggawa at Paghahanapbuhay, malugod kong ipinaaabot ang aking masayang pagbati sa lahat nang magigiting na manggagawang Pilipino, sa loob man o labas ng bansa at sa pribado o publikong sector.
Ikinararangal kong makiisa sa inyo, kapwa ko manggagawa, sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Angkop ang araw na ito hindi lamang upang gunitain ang ating mga pagsisikap, kundi upang ipagsaya ang ating mga tagumpay sa nakalipas na taon. Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan, ang lahat ng pagsubok hatid ng pagbabago ay ating hinarap ng buong katatagan at napagtagumpayan sa nakalipas na taon.
Ang tema ng ating pagdiriwang ng Araw ng Paggawa 2012 ay “Pagtutulungan. Pagbabago. Disenteng Trabaho.”
Ang mga katagang ito ay malakas na panawagan upang tayong lahat ay patuloy na magtulungan tungo sa pagbabago nang sa gayon ay makamtan ng bawat isa sa atin ang biyaya ng sapat at disenteng trabaho.
Hindi madali ang pagbabago. Kailangan ang sakripisyo bago ito makamit. Subalit kung tayo ay magbubuklod at mag-aambag ng ating lakas, talino, at galing, walang makahahadlang sa atin upang ating makamtan ang pambansang adhikain sa sapat at disenteng hanapbuhay para sa lahat mamamayang Pilipino.
Ang Kagawaran, sa aking pamumuno, ay nasa kalagitnaan ngayon nang pagsasakatuparan ng mga reporma na iniatas sa atin ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Sinimulan natin ito noong 2010 at ating ipinagpapatuloy at pinag-iibayo sa matapat na paniniwala na magbubunga ang ating pagpupunyagi at pagsisikap.
Ibayong paglilingkod sa manggagawang Pilipino ang sentro ng ating reporma. Pagtutulungan ang ating isinisigaw. Sapat at disenteng trabaho ang ating hangad upang higit na maraming mamamayan ang makikinabang sa pambansang pag-unlad.
Ang husay, sipag, at tiyaga ng manggagawang Pilipino ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa atin upang higit pang patatagin ang mga programa at serbisyong kumakalinga sa inyong kakayahan at kumikilala sa inyong ambag sa pambansang pagsulong. Ipagbunyi natin ang lahat nang ito sa Araw ng Paggawa!
Mabuhay tayo, manggagawang Pilipino!
(Sgd.) ROSALINDA DIMAPILIS-BALDOZ
Kalihim
MAY 1, 2012 |
||||
TIME | ACTIVITY / EVENT |
|||
8:00 – 9:00 AM |
Holy Mass – San Pedro Cathedral, San Pedro St., Davao City (to be participated in by the DOLE XI Family and its attached agencies. Labor and Mangement Groups are encouraged to join) |
|||
10:00 AM |
Job Fair Opening (Ribbon Cutting in Gaisano Mall and SM City) |
|||
1:00 PM | Releasing of Livelihood Grants to the beneficiaries of the DOLE Integrated Livelihood Program towards Community Enterprise Development (DILP-CED) @ Gaisano Mall | |||
Awarding of Certificates of Entitlements for Starter Kits and Equipments to beneficiaries @ Gaisano Mall | ||||
Launching of DOLE- SPES (Special Program for Employment of Students) – TESDA TWSP (Training for Work Scholarship Program) Convergence Project for Out of School Youth (OSY) @ Gaisano Mall | ||||
Awarding of Certificates of Entitlement to SPES-TWSP Project Grantees @ Gaisano Mall |